Matapos ang ilang oras na pagsasara ng Haneda International Airport, sa Japan dahil sa banggaan ng dalawang eroplano ng Japan Airlines at Japan Coast guard ay muli na itong binuksan sa mga commercial flight.
Ayon sa MIAA pasado 8:30pm kagabi nang buksan ang tatlong runway ng Haneda International Airport para sa mga commercial flight.
Ilang sa mga pasaherong na stranded ng ilang oras sa NAIA kagabi matapos maantala ang flight dahil sa nangyaring insidente sa Haneda International Airport, ay nakaalis na rin pasado alas 10:00 kagabi.
Ayon sa MIAA wala naman malaking epekto sa mga pasahero ang flight operation sa Haneda International Airport dahil sa apat ang runway na ginagamit ng nasabing paliparan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News