Palalakasin pa ng gobyerno ang mga aksyon upang masawata ang terrorism financing sa bansa.
Ayon kay Anti-Money Laundering Council Executive Director Matthew David, mayroong mga organisasyon at terrorist groups sa Pilipinas na tumatanggap ng mga pondong nanggagaling sa ibang bansa.
Kaugnay dito, inilatag ng AMLC ang tatlong action items laban sa terrorism financing, una ay ang pagtukoy sa persons of interest (POI) o posibleng terrorism financiers, sa pakikipagtulungan sa law enforcement agencies.
Ikalawa ay ang pag-iimbestiga sa terrorism financial activities, at ikatlo ay ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.
Sinabi ni David na ito ay bahagi rin ng hakbang upang maialis ang Pilipinas sa grey list ng financial action task force. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News