Handa ang Pilipinas na palakasin pa ang bilateral relations sa kapwa Southeast Asian Country na Vietnam.
Sa presentasyon ng credentials sa Malacañang ni bagong Vietnamese Ambassador to the Philippines Lai Thai Binh, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na marami na silang napagpulungan ni Vietnamese Prime Minister Phạm Minh Chính sa mga pagtitipon ng ASEAN.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na marami pang larangan na maaaring pagtulungan ang Pilipinas at Vietnam.
Umaasa naman ang Vietnamese envoy na mas sisigla pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Mababatid na ang Vietnam ang pangunahing pinag-aangkatan ng bigas ng bansa.
Tulad ng Pilipinas ay mayroon din itong territorial dispute sa China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News