dzme1530.ph

Pagpapalakas ng agrikultura, muling iginiit

Muling nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na palakasin pa ang mga programang may kinalaman sa agrikultura.

Sa gitna na rin ito ng pangamba ng senador na posibleng bawasan ng ibang mga bansa ang kanilang mga exports ng basic commodities sa Pilipinas upang matugunan ang pansariling food security dahil sa epektong maaaring idulot ng El Niño.

Aminado ang senador na dahil sa nakaambang El Niño, maraming bansa ang uunahing tugunan ang pangangailangan ng sarili nilang mamamayan sa halip na mag-export.

Sinabi ni Gatchalian na sa pamamagitan naman ng pinalawig na modified tariff rates sa mga basic commodities, makatitiyak ang mahihirap nating kababayan na makaka-access at makakabili ng abot-kayang pagkain para sa kanilang pamilya.

Sa kabilang dako, iginiit ni Gatchalian na dapat kumilos pa rin ang gobyerno at patuloy na mag-invest sa agrikultura.

Hiniling ng senador sa gobyerno na patuloy na  paigtingin ang industriya ng agrikultura sa pamamagitan ng modernization at mechanization upang mas lalo pang mapalakas ang produksyon sa sektor ng agrikultura. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author