dzme1530.ph

NDRRMC, pinarangalan ang Philippine Humanitarian Team na rumesponde sa mga biktima ng lindol sa Turkey

Binigyang-pagkilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang humanitarian team ng Pilipinas na rumesponde sa Turkey matapos tamaan ng magnitude 7.8 na lindol.

Pinarangalan ng NDRRMC ang Philippine Inter-Angency Humanitarian Contingent (PIAC) ng “Bakas Parangal ng Kabayanihan” award sa isang seremonya na ginanap sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Defense Officer-In-Charge at NDRRMC Chair Carlito Galvez Jr., maipagmamalaki niya aniya bilang isang Pilipino ang kahandaan ng bansa na tumulong at rumesponde sa panahon ng sakuna.

Matatandaang ipinadala ang PIAC sa Turkey para tumulong sa mga biktima ng lindol noong February 6, 2022 at nakabalik ang mga ito sa Pilipinas noong March 1.

About The Author