Plano ng Philippine National Police na magpakalat ng mahigit 13,000 mga opisyal at tauhan para sa pagbabalik ng traslacion sa nalalapit na kapistahan ng itim na poong Nazareno sa Jan.9
Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipag-ugnayan na sila kay Manila Police District Director, Colonel Arnold Thomas Ibay, para sa inaasahang pagdagsa ng tinatayang 2.5 milyong deboto na makikiisa sa Pista ng Quiapo.
Bukod sa Deployment, kasama ang kanilang K-9 units, pinaalalahanan ng PNP Chief ang publiko na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa taunang prusisyon.
Kabilang aniya rito ang backpacks, bullcaps, at payong, – at ang liquid bottles at canisters ay dapat transparent. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera