dzme1530.ph

Mga deboto, dumagsa sa Simbahan ng Quiapo para kanilang unang misa ngayong 2024

Libo-libong deboto ang nagtungo sa simbahan ng Quiapo sa Maynila para sa kanilang first mass ngayong bagong taon.

Sa pagtaya ng mga otoridad, bawat misa na idinaos kahapon ay nasa 1,000 hanggang 3,000 ang mga dumalo, kaya naman ang ibang mga deboto ay nanatili na lamang sa labas ng simbahan.

Umabot ang mga ito hanggang sa bahagi ng Quezon Boulevard sa labas ng Quiapo Church, pati na sa Plaza Miranda.

Wala namang na-monitor na untoward incidents ang mga pulis subalit binilinan pa rin ang mga bisita na bantayan ang kanilang mga anak, pati ang kanilang kagamitan, at huwag nang magdala ng anuman na maiku-konsiderang armas.

Ang Simbahan ng Quiapo na tahanan ng Itim na Nazareno ay naghahanda para sa kapistahan ng pinaniniwalaang mapaghimalaang poon sa Jan. 9.

About The Author