dzme1530.ph

COMELEC, nagpaalala sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na magparehistro bilang mga botante para sa 2025 midterm elections

Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na magparehistro bilang mga botante para sa 2025 midterm elections.

Pinapayuhan din ang mga magpaparehistro na dalhin ang kanilang valid Philippine passport sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Consulate General o mga designated registration centers sa Pilipinas.

Batay sa Comelec resolution no. 10833, nagsimula ang filing period para sa mga Overseas Filipino noong Disyembre 9, 2022 at tatakbo hanggang Setyembre 30 ngayong taon.

Ang mga pinahihintulutang magparehistro ay pawang mga mamamayan ng Pilipinas na nasa ibang bansa o nasa ibang bansa sa loob ng 30-araw na panahon ng pagboto, hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng halalan at hindi nadiskuwalipika ng batas.

Habang ang mga kwalipikadong Pilipino na nasa Pilipinas ngunit nasa ibang bansa isang buwan bago ang botohan ay maaaring maghain ng kanilang mga aplikasyon sa mga ahensya ng gobyerno upang italaga bilang mga sentro ng pagpaparehistro sa Pilipinas.

Para sa iba pang balita at impormasyon, bisitahin ang website ng Comelec via comelec.gov.ph.

About The Author