dzme1530.ph

Mga tsuper na bigong mai-consoliate ang kanilang prangkisa, tuloy pasada pa rin hanggang Jan. 31

Tuloy pa rin sa pamamasada ang ilang tsuper na bigong makaabot sa deadline ng franchise consolidation noong Disyembre 31 ng nakaraang taon.

Sa kabila ng striktong pagpapatupad ng franchise consolidation ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), ay hindi pa rin klaro hanggang ngayon kung aling ruta ang na-consolidate at hindi na-consolidate na isa sa mga kondisyon upang makapasada pa ang mga bigong makaabot deadline.

Dahil dito ay pinapayagan pang maka-takbo ang mga unconsolidated jeepney sa mga hindi rin na-consolidate na ruta nang hanggang katapusan ng Enero.

Nilinaw naman ni Andy Ortega ng Office of Transport Cooperatives, ang agam-agam ng mga tsuper at sinabing hindi kailangang mawalan ng trabaho ang mga ito, dahil may oras pa upang sumunod sa patakaran ng pamahalaan.

Kaugnay nito, mamamahagi rin ang LTFRB ng special permits sa mga consolidated transport groups upang matulungan ang mga pasaherong hirap makasakay.

About The Author