Binigyang-diin ni Sen. Christopher Bong Go ang pangangailangang alamin muna ang sentimyento ng publiko kaugnay sa charter change bago talakayin sa Kongreso ang isinusulong na pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas.
Iginiit ni Go na mahalagang maitaguyod ang kapakanan ng publiko sa anumang pinaplanong pagbabago sa konstitusyon.
Muling iginiit ng senador na dapat matiyak na ang interes ng taumbayan at hindi ang kapakanan ng mga pulitiko ang mamamayani sa anumang hakbangin na baguhin ang mga probisyon sa saligang batas.
Una nang iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat magkaroon ng komprehensibong pag-aaral sa nais ng publiko bago isulong ang cha-cha.
Sa mga naunang pahayag ni Go, mas nais nitong pag-aralan ng legal experts ang pagpapalit na ng sistema ng gobyerno tungong Federalism dahil mas mapapabilis anya ang pag-unlad ng bawat rehiyon sa bansa bunsod ng awtonomiya.—ulat mula kay Dang Garcia, DZME News