Inihayag ng Philippine National Railways (PNR) ang patuloy na isinasagawang test run ng kanilang tren para sa rutang Naga-Legazpi.
Nakatakdang simulan ang operasyon bukas, ika-27 ng Disyembre, na tatagal ng 3 hanggang 4 na minuto, kung saan apat na biyahe ang tatakbuhin ng nasabing tren kada araw sa higit 101 kilometrong haba ng riles mula Naga City, Camarines Sur hanggang Legazpi City, Albay.
Bibyahe namam ng umaga ang nasabing tren sa pag-alis mula Legazpi patungong Naga ng 5:45 AM at darating ng 8:49 sa parehong panahon.
Sa manggagaling ng Naga patungong Legazpi aalis nman ito ng 5:38 AM at darating ng 8:42 AM.
Sa mga bibyahe naman ng hapon mula Legazpi patungong Naga ang oras ay 5:47 PM ang alis at darating ng 8:51 pm.
Kung nasa Naga patungong Legazpi naman ang pag-alis ay 5:30 at darating ng 8:34 ng hapon.
Kabilang sa mga istasyong daraanan ang Naga, Pili, Iriga, Polangui, Ligao, Travesia, Daraga, at Legazpi
Maari namang mag Flag stops mula sa Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan,
P15 naman ang magiging pamasahe sa kada istasyon at kung Naga -Legazpi – Naga aabutin naman ng P155.
Kabilang sa mga babagtasin pa sa nasabing ruta ang Kidaco Bridge sa Daraga, at Albay kung saan masisilayan dito ang ganda ng Bulkang Mayon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News