dzme1530.ph

Peacetalks sa gobyerno, imposibleng may mabuting kahinatnan

Duda si Senador Jinggoy Estrada na may magandang kahihinatnan ang plano ng pamahalaan na makipag usap para sa kapayapaan sa CPP NPA NDF.

Sinabi ng Chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation na marami ng administrasyon ang nagsulong ng peace talks sa rebeldeng komunista subalit hindi naman magtagumpay.

Ayon kay Estrada, ngayong sinasabing mahina na ang puwersa ng CPP NPA, makabubuting ipagpatuloy ang operasyon ng mga awtoridad hanggang sa tuluyan nang mabuwag ang rebeldeng komunista

Maaari rin anyang magbigay ng timeline ang pamahalaan para sa mga gustong sumuko at magbalik loob sa gobyerno.

Una rito, pinaboran ni Estrada ang pasya ng security officials na huwag tapatan ang idineklarang dalawang araw na ceasefire ng CPP NPA. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author