dzme1530.ph

PEZA, maglulunsad ng e-Marketplace sa 2024

Nais iratsada ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang paglulunsad nito ng electronic marketplace o E-Market sa unang kwarter ng 2024.

Layunin nito na palakasin ang sourcing sa mga locators, hindi lamang sa mga foreign suppliers, kundi maging sa local businesses tungo sa ecozone value chain.

Sa isang press briefing, sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na on going na ang proseso para sa investors at mga negosyante na nais makiisa sa kanilang e-marketplace

Binigyang diin din ni Panga ang prayoridad mula sa nasabing inisyatiba, ang paglago ng local businesses sa bansa gamit ang nasabing e-marketplace.

Mas mapapalawak din ng mga lokal na negosyo sa digital space gamit ang e-marketplace. —sa panulat ni Gee Erfe

About The Author