dzme1530.ph

Mahigit 10 residente ng Pola, Oriental Mindoro, nagkasakit matapos ang oil spill

Aabot sa 14 na residente ang nagkasakit sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro matapos ang paglubog ng isang oil tanker sa dagat doon.

Kabilang dito ang isang bata na isinugod sa ospital.

Ayon kay Pola Mayor Jennifer Cruz, katuwang ang Department of Health (DOH) ay patuloy nilang binabantayan ang mga sintomas na nararanasan ng mga nasabing residente, gayundin ang water at air toxicology sa naturang lugar.

Pinayuhan din nila ang mga residente na magsuot ng face mask at huwag munang maligo sa naapektuhang dagat.

Matatandaang Pebrero 28 nang lumubog ang MT Princess Empress na nagresulta sa pagtagas ng 800L ng langis na naglagay sa panganib sa mga tao at sa halos 600 ektarya ng coral reef sa naturang lalawigan.

About The Author