dzme1530.ph

Transport group, nanawagan kay PBBM na palawigin ang consolidation deadline

Nanawagan ang transport group na Stop and Go Coalition kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang deadline ng franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ayon sa presidente ng grupo na si Zaldy Ping-ay, narinig niya ang pronouncement ni Marcos na hindi nito kailangang tingnan ang 30% dahil 70% na ang nakapag-consolidate.

Inihalimbawa ng transport group leader ang Parable of the Lost Sheep kung saan hindi aniya tiningan ang 99 na indibidwal na masunurin o matuwid, kundi ang isang natitira.

Para kay Ping-ay, ito ang gustong ipa-abot ng grupo kay PBBM para sa slogan nitong “Uniting the Nation.”

Tanong pa nito sa Pangulo, kung paano magkakaroon ng unifying the nation kung mayroong ma-iiwan?

Nabatid na hindi na pinalawig ni Marcos ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga PUV. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author