dzme1530.ph

Kawalan ng due process sa suspensyon ng NTC sa SMNI, pinuna ng Senador

Kinuwestyon din ni Sen. Robin Padilla ang kawalan anya ng due process sa ipinataw na suspensyon ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

Dahil dito, plano ng chairman ng Senate Commmitee on Public Information and Mass Media na ikinukunsidera na niyang maghain ng resolusyon ukol sa isyu at matalakay ito sa Senado sa pagbabalik-sesyon sa Enero.

Sinabi ni Padilla na malaki ang naging ambag ng broadcasting company sa anti-terrorism campaign ng gobyerno sa pamamagitan ng ilang programa nito.

Nabigo anya ang NTC na linawin ang basehan nang pagsuspindi sa SMNI, gayundin ang katuwiran ng kanilang naging hakbang para sa kapakanan ng publiko.

Bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng NTC nararapat lamang ayon sa senador na ipaliwanag at linawin ng komisyon ang suspension order.

Naniniwala ito na magkakaroon ng seryosong negatibong epekto sa SMNI at mga kawani ng kompaniya ang desisyon ng NTC. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author