dzme1530.ph

AFP, tiniyak na patuloy na ipagtatanggol ang integridad at soberanya ng Pilipinas, alinsunod sa international laws

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na ipagtatanggol ang integridad at soberanya ng bansa, alinsunod sa international laws.

Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagtiyak sa 88th Anniversary ng AFP, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Brawner ang pinaigting na territorial defense operations, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng presensya ng tropa ng pamahalaan sa mga teritoryo ng bansa.

Inanunsyo rin ng heneral ang pagbuo ng AFP Joint Special Operations Command habang ang AFP Presidential Security Command ay ire-reorganize.

Kabilang din sa mga dumalo sa anibersaryo ng AFP sina House Speaker Martin Romualdez, dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo, at Defense Secretary Gilbert Teodoro.

About The Author