Kapwa ipinunto nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi na mahalagang mapag-usapan ng magkabilang panig ang mga isyu na may kinalaman sa West Philippine Sea upang matugunan ang mga ito.
Sinabi ni Manalo na nag-usap sila ni Wang sa telepono noong Miyerkules at naging prangkahan ang kanilang pag-uusap.
Aniya, kapwa nilinaw ng magkabilang panig ang kani-kanilang posisyon sa iba’t ibang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, mayroong Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea na binuo ang dalawang bansa noong nakalipas na Duterte Administration para pag-usapan ang maritime issues. —sa panulat ni Lea Soriano