Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong kabi-kabila ang mga pagtitipon dahil sa kapaskuhan.
Ayon kay Atty. Victor Nuñez, Director for Traffic Enforcement ng MMDA, mahilig uminom ang mga Pilipino, at base sa kanilang obserbasyon ay maraming aksidente ang naitatala tuwing Disyembre na kinasasangkutan ng drunk driving.
Gaya na lamang ng nangyari sa isang SUV driver na pumasok sa one way at inararo ang kasalubong na limang sasakyan na naresulta sa pagkakasugat ng anim na indibidwal sa Elliptical Road sa Quezon City.
Aminado ang driver na nakainom siya makaraang manggaling sa isang bar sa Timog Avenue.
Payo naman ng MMDA, upang makaiwas sa disgrasya, huwag uminom kung magmamaneho.