dzme1530.ph

PBBM, maglalabas ng EO para sa buong-pwersang paghahanda ng gobyerno sa Severe El Niño

Maglalabas si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order para sa buong-pwersang paghahanda ng gobyerno sa pagtama ng Severe El Niño sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Defense Sec. Gibo Teodoro na magiging kaakibat nito ang pagbuo ng El Niño Task Force na magkatuwang na pamumunuan ng DND at Dep’t of Science and Technology Sec..

Sa ilalim nito, tututukan at ihahanda sa posibleng epekto ng matinding tagtuyot ang limang sektor kabilang ang agrikultura, suplay ng tubig at enerhiya, kalusugan, at kaligtasan ng publiko.

Bukod dito, paghahandaan din ang posibleng “Extended El Niño”.

Ayon naman kay DOST Sec. Renato Solidum Jr., inaasahan ang peak o pinaka-matinding bugso ng El Niño sa Abril 2024, kasabay ng panahon ng tag-init. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author