dzme1530.ph

Pagsusulong ng PUV modernization program, dapat ibalanse sa pangangailangan ng publiko

Sa gitna ng mga kilos protesta ng iba’t ibang transport group para sa panawagang palawigin ang deadline sa consolidation para maging kooperatiba, iginiit ni Senator JV Ejercito ang pangangailangang maisulong ang Public Utility Vehicles Modernization Program.

Gayunman, iginiit ni Ejercito na dapat itong gawin sa sandaling mailatag na ang mas maayos na public transport system.

Tinukoy ni Ejercito ang pagsasaayos pa ng railway system, gayundin ang subway system na sa kanyang tantya ay aabutin pa ng apat na taon bago tuluyang maisakatuparan.

Kaya kung si Ejercito ang tatanungin, mas nais niyang palawigin ang deadline sa consolidation at hayaan munang makabiyahe ang mga maaayos pa namang public utility vehicles.

Pero kailangang tiyakin ng mga transport group ang pagtugon sa modernization program para sa mas maayos, komportable at abot kayang transportasyon para sa publiko. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News 

About The Author