dzme1530.ph

2.2-M pasahero, inaasahan sa mga paliparan ngayong Disyembre

Inaasahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na papalo sa 2.2 milyong biyahero ang dadagsa sa mga paliparan ngayong buwan.

Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na mas marami ang lokal na turista ngayon, dahil na rin sa promotions o ticket discounts na alok ng mga airline.

Inihayag din ni Apolonio na karaniwang tumataas ang bilang ng mga pasahero sa airports sa average na 7% hanggang 10% tuwing Disyembre ng bawat taon.

Simula noong Dec. 15 ay isinailalim na ng CAAP sa heightened alert ang mga airport bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author