dzme1530.ph

P169-B investments mula sa naunang foreign trip ng Pangulo sa Japan noong Pebrero, naisakatuparan na

Naisakatuparan na ang P169-B na halaga ng investments na nalikom ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang pag-bisita sa Japan noong Pebrero.

Sa kapihan kasama ang media sa Tokyo, Japan, inihayag ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Sec. Frederick Go na sa muling pag-bisita ng Pangulo sa Japan ay mahigit 20 kumpanya ang nagbigay ng update kaugnay ng kanilang investment commitments.

Hinggil dito, sinabi ni Go na umabot na sa P169 billion ang “actualized investments” mula sa naunang Japan trip ni Marcos.

Sinabi naman ng Pangulo na ang mga investment ay nasa larangan ng semiconductors, healthcare, at imprastraktura.

Idinagdag pa ni Marcos na ang naisakatuparang investments ay nakalikha na ng mahigit 9,700 na trabaho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

 

About The Author