Nakalikom si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng P14 billion na halaga ng investment pledges sa ikalawang foreign trip sa Japan.
Sa kapihan kasama ang media sa Okura Hotel sa Tokyo Japan, inihayag ng Pangulo na siyam na American companies ang nag-commit ng investment sa bansa.
Nakikitang lilikha ito ng nasa 200,000 trabaho.
Sinabi ni Marcos na karamihan sa mga investment pledges ay extensions o pagpapalawak ng mga umiiral nang kontrata.
Ang ilan sa mga ito ay nasa semi-conductor, healthcare, imprastraktura, seguridad, at agrikultura.
Sinabi naman ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go na 20 kumpanya rin ang nagbigay ng update sa investment pledges sa unang pag-bisita ni Marcos sa Japan noong Pebrero, at umabot na sa P169 million ang naisakatuparang investments. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News