dzme1530.ph

Pagbabayad sa mga na-offload na air passengers, di makakaapekto sa sahod ng mga kawani ng Immigration

Hindi dapat mangamba ang mga kawani ng Bureau of Immigration sa isinusulong na pagbabayad sa libu-libong pasaherong naiwanan ng biyahe dahil sa mahabang pag-usisa sa immigration assessment.

Ito, ayon kay Sen. Francis Chiz Escudero ay dahil hindi maaapektuhan ang kanilang mga sahod at benepisyo sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Nilinaw ni Escudero na ang pondo na gagamiting pambayad sa mga apektadong pasahero ay manggagaling sa mga sobrang makokolekta ng ahensya.

Ipinaliwanag pa ng senador na madalas ang sobrang nakokolektang buwis ng Immigration ay naibabalik lamang sa national treasury.

Mas makabubuti anya na sa halip na maibalik sa national treasury ay magamit na lamang para sa mga naperwisyong mga pasahero na offload.

Alinsunod sa probisyon sa 2024 proposed budget magmumula ang pambayad sa 10% na nakokolekta ng Bureau of Immigration.

Tiniyak din ni Escudero na ang pondo para sa overtime pay ng mga immigration officers, mga ibang gastusin ng BI para maayos ang kanilang computers, camera at iba pang mga gamit ay hindi ginalaw ng mga Senador. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author