dzme1530.ph

Pagrereview sa konstitusyon, napapanahon na —Angara

Iginiit ni Senador Sonny Angara ang kanyang paniniwala na panahon na para isalang sa review ang 1987 Constitution, partikular ang economic provisions.

Kinatigan ni Angara ang nauna namang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na dapat nang aralin ang economic provisions ng saligang batas.

Kabilang anya sa dapat aralin ang restrictions dayuhang pagmamay-ari sa mass media, foreign educational institutions at mga professors na magtuturo sa bansa kasama na ang foreign advertising agencies.

Sa kabilang dako, tutol si Angara sa foreign land ownership sa Pilipinas.

Ipinaalala pa ng senador sa mga nagsusulong ng chacha na palagiang isaisip ang kapakanan ng bansa at mga Pilipino. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author