Hindi nakikita si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na may ive-veto si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakatakdang pirmahang 2024 national budget.
Ayon kay Speaker Romualdez, sumunod sila sa parameters sa pagbalangkas ng budget at nakipag-ugnayan talaga sila closely sa Office of the President at mga government agencies.
Maging ang pag-alis sa confidential funds ng ilang civilian agencies ay hindi rin isyu dahil sa pinagkasunduan ito ng both Houses, at katunayan ilan sa head of agencies ay boluntaryong isinuko ang kontrobersiyal na pondo.
Maging si Pang. Marcos ay alam umano ang pag-minimize sa CIF ng civilain agencies at paglipat sa mas karapat-dapat na tanggapan gaya ng Phil Coast Guard at West Phil Sea.
Ibinida rin ni Romualdez sa sideline ng ASEAN-Japan 50th commemorative Summit sa Tokyo na tatanggap ng 5-bagong barko ang Coast Guard mula sa Japan.
Samantala, kinumpirma ni Romualdez na nais sanang lagdaan ni PBBM ang 2024 national budget bago ito tumulak sa Japan, subalit naging hadlang ang printing ng budget documents. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News