Naglandfall na ang tropical depression “Kabayan” sa Manay, Davao Oriental kaninang alas-9:30 ng umaga.
Sa latest update ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Caraga.
Almost stationary o halos hindi kumikilos ang bagyo na may lakas ng hangin na umaabot sa 55km/ph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 km/ph.
Nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang 235 kilometers ng west southwest portion ng Puerto Princesa City, Palawan; Southern Leyte, southern portion ng Samar, Eastern Samar, Cebu kabilang ang Camotes Islands, Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, at Guimaras, at ang malaking bahagi ng Mindanao.
Samantala, patuloy na umiiral ang northeast monsoon sa hilagang bahagi ng bansa, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na magdadala ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at pagkidlat.