Posibleng maipasa na ng Senado sa buwan ng Pebrero ang panukalang P150 legislated wage increase.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri makaraang kumpirmahin na natapos na ng Senate Committee on Labor ang committee report sa mga panukalang dagdag sahod sa pribadong sektor.
Ayon kay Zubiri, posibleng sa pagbabalik nila ng sesyon sa Enero 23 ay maisponsoran na sa plenaryo ang committee report sa panukala upang kanilang matalakay.
Aniya, pagsapit ng Pebrero ay posibleng maaprubahan na ito ng Senado.
Ang pahayag ay ginawa ng Senate leader sa gitna ng kanyang pangako na patuloy na magsusulong ng mga panukala na mapapakinabangan ng taumbayan.
Iginiit ni Zubiri na ngayong 2023 ay mission accomplished sila sa pag-aapruba ng mga panukala para sa kapakanan ng mamamayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News