Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na tatanggapin ng Malakanyang ang inaprubahan nilang panukalang 2024 national budget.
Una nang kinumpirma ni Zubiri na may imbitasyon na ang Malakanyang para sa paglagda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa proposed 2024 national budget sa Miyerkules, December 20.
Bagama’t nasa kapangyarihan anya ng Pangulo ang magsagawa ng line item veto ay umaasa siyang mananatili ang mahahalagang probisyon na kanilang inilagay sa panukalang budget.
Sa ngayon anya ay tiyak na abala ang tanggapan ng Pangulo sa pag-aaral sa inaprubahan nilang panukalang budget.
Inilarawan ni Zubiri ang 2024 proposed budget bilang one of the best budgets na kanilang isinakatuparan makaraang itaas ang pondo para sa defense posture ng bansa.
Tinanggal na rin anya nila ang mga confidential fund sa mga civilian agencies at inilipat sa law enforcement agencies habang ang iba ay inilagay nila sa maintenance and other operating expenses at sa line item budget. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News