Idinulog ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo Japan, ang Unilateral Actions sa East at South China Sea.
Sa kanyang intervention sa 1st session ng ASEAN-Japan Summit, inihayag ng Pangulo na ang unilateral actions sa East at South China Sea ay patuloy na nagdadala ng banta sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Idinaing din nito ang mga balakid at paglabag sa international rule of law sa kasalukuyang geopolitical environment.
Samantala, binanggit din ni Marcos ang iba pang regional issues tulad ng pagpapakawala ng intercontinental ballistic missiles ng North Korea, at sitwasyon sa Myanmar. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News