dzme1530.ph

PCG, nangako na hindi gagawa ng agresibong hakbang laban sa pambubully ng China sa WPS

Nangako ang Philippine Coast Guard na hindi ito gagawa ng agresibong hakbang laban sa China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag maging agresibo dahil posible na hindi kayanin ng Pilipinas sakali na bumawi ang China.

Naniniwala naman si Tarriela na mag-aalinlangan din ang China na gumamit ng armadong pag-atake sa Philippine vessels dahil magti-trigger ito sa mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author