Kampante ang Dep’t of Energy na mananatiling sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa 2024, at walang ipatutupad na red at yellow alert status sa power grids.
Ito ay sa kabila ng inaasahang pagtama ng pinaka-matinding bugso ng El Niño o matinding tagtuyot.
Ayon kay DOE-Power Industry Management Bureau Director Irma Exconde, dahil sa El Niño ay nakikitang bababa ng hanggang 70% ang generation capacity ng hydroelectric power plants partikular sa Luzon at Visayas.
Gayunman, sinabi ni Exconde na maraming magbubukas na planta ng kuryente sa susunod na taon kabilang ang ilang solar power plants, na makakakuha ng mas maraming enerhiya sa gitna ng tagtuyot at matinding init.
Tiniyak naman ni Energy Sec. Raphael Lotilla na sisikaping mapanatili ang full-operations ng non-hydro power plants tulad ng natural gas at coal-fired power plants. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News