dzme1530.ph

Pagpapalawig ng mas mababang taripa sa bigas, mais, at karneng baboy, inaprubahan ng Pangulo

Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalawig ng mas mababang taripa para sa bigas, mais, at karneng baboy.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan na sa ika-12 meeting ng NEDA Board, inaprubahan ng Pangulo ang inendorsong draft Executive Order para sa extension ng reduced most favored nation tariff rate sa mga nabanggit na produkto, hanggang sa Dec. 31, 2024.

Sa ilalim nito, mananatili sa 15% ang in-quota tariff para sa karneng baboy at 25% sa out-quota, 5% in quota sa mais at 15% sa out-quota, at 35% sa in-quota at out-quota tariff sa bigas.

Sinabi ni Balisacan na layunin nitong matiyak ang sapat na suplay ng agricultural commodities, maibsan ang epekto ng mataas na world prices, at upang hindi na madagdagan pa ang pasanin ng mga consumer. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author