dzme1530.ph

Korte sa Amerika, iniurong ang petsa ng paglilitis sa mga kasong kinakaharap ni Pastor Apollo Quiboloy

Nagtakda ng bagong petsa ang US Court para sa paglilitis sa mga kasong kriminal na isinampa laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder, Pastor Apollo Quiboloy.

Sa halip na sa March 19, 2024, iniurong ang proceedings sa Nov. 5 sa susunod na taon.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Coercion, Sex Trafficking of Children, Marriage Fraud, Fraud and Misuse of Visas, Bulk Cash Smuggling, Promotional Money Laundering, at International Promotional Money Laundering.

Pinagbigyan ng US District Court of the Central District of California ang kahilingan ng kampo ni Quiboloy na karagdagang panahon para masusing pag-aralan ang mga kaso at makapaghanda ang kanilang legal team. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author