Maagang sinimulan ng Inter-Agency Task Force ang pagmomonitor sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC) ang lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON para sa kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Ayon sa MMDA nakahanda ang nasa mahigit 600+ rescue vehicles mula sa MMDA, mga iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga LGUs para sa mga mananakay na maaapektuhan ng transport strike.
Inatasan naman ang mga traffic enforcers na paigtingin ang traffic management at umasiste sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.
As of 7:09, kanina mayroon ng naireport na pagtitipon ng mga miyembro ng grupong PISTON sa Pasig, Parañaque, at Quezon City.
Tinitiyak naman ng MMDA na nakahanda ang team ng pamahalaan para masiguro na walang maii-stranded na mga commuters ngayong araw dahil sa tigil pasada ng grupong PISTON. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News