Palalakasin pa ng Pilipinas at Estados Unidos ang Bilateral at Multilateral Coordination nito sa iba pang bansa sa gitna ng mga agresibong pag-atake ng China sa West Philippine Sea, na inilarawan ng Washington na labag sa batas.
Ito ang binigyang-diin ni Pentagon Press Sec. Major Gen. Pat Ryder na nagkasundo ang dalawang bansa na paigtingin ang koordinasyon sa mga ka-alyado nito upang pahusayin ang interoperability at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Nabatid na nagka-usap sa telepono sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at U.S Defense Sec. Lloyd Austin III at tinalakay ng mga ito ang pagpapalakas sa koordinasyon matapos bombahin ng water cannon ng China ang Philippine vessels na WPS, na ina-angkin ng beijing.
Ipinunto ni Austin na mananatili ang Ironclad Commitment ng U.S kasabay ng pagpapahayag nito ng suporta sa pilipinas sa pagdepensa laban sa sovereign rights alinsunod sa international law. —sa panulat ni Airiam Sancho