dzme1530.ph

Speaker Romualdez, pinasaringan ni Sen. Marcos sa isyu ng Cha-cha

Naniniwala si Sen. Imee Marcos na binuhay sa Kamara ang panukalang Charter Change dahil may isang indibidwal na nagnanais maging Prime Minister dahil malabo siyang maging Pangulo.

Iginiit ng senador na matagal na ring sinabi ng kanyang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr., na hindi napapanahon ang Charter Change lalo pa’t dapat nakatutok ang lahat sa pagbibigay ng trabaho ang gobyerno.

Una rito kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na target nilang maglunsad ng people’s referendum para matukoy ang mga pagbabagong gagawin sa konstistusyon.

Samantala, nanindigan si Senador Christopher Bong Go na kung isusulong man ang charter change dapat tiyaking ang taumbayan ang makikinabang.

Tiniyak ni Go na kung may pulitikong makikinabang sa chacha ay kanya itong tututulan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author