dzme1530.ph

6.5-8% target GDP growth para sa susunod na taon, posibleng ibaba ng gobyerno!

Ipinalutang ng National Economic and Development Authority ang posibleng pagtatapyas sa 6.5-8% na target range para sa gross domestic product sa susunod na taon.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, pananatilihin ang target na 6.5%, ngunit malabo na umanong mapaabot ito sa 8%.

Sinabi ni Balisacan na na-obserbahan ng lahat ng multilateral agencies na hindi gaanong lumago ang global economy.

Samantala, sa pagtatapos ng 2023 ay kampante si Balisacan na makakamit ang 6-7% GDP growth, sa harap ng umanoy paghupa ng inflation at masiglang labor market. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author