dzme1530.ph

Tagtuyot, nagbabadya sa Enero; 77% ng bansa, makararanas ng epekto ng matinding init sa Mayo

Nagbabala ang PAGASA na 77% ng bansa ang maaring makaranas ng drought o tagtuyot sa 2024.

Ayon sa PAGASA, ang Strong El Niño weather pattern ay posibleng magdulot sa 11 lalawigan na karamihan ay sa Luzon, ng tagtuyot sa Enero.

Katumbas ito ng 60% kabawasan sa pag-ulan sa loob ng tatlong sunod na buwan.

Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, na pagsapit ng Mayo, 65 lalawigan o 77% ng bansa ang makararanas ng mga epekto ng tagtuyot.

Sa pagtaya ni Solidum, ang pinakamataas na temperatura sa Northern Luzon sa Abril o Mayo ay papalo sa 41 degrees celsius, subalit kung isasama ang heat index sa katawan ng tao ay magdaragdag ng 5 hanggang 15 degrees. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author