Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na naiparating na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kay Chinese President Xi Jinping ang mga concern nila kaugnay sa tension sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Zubiri na ikinuwento anya ni Pangulong Marcos sa kanya na nasabi na niya kay President Xi na hindi sana lumalala ang tension sa West Philippine Sea kung hindi na nanghihimasok sa isa’t isa.
Inihayag ng senate leader na nagkausap ang dalawang lider sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit noong isang buwan sa San Francisco.
Inihayag ni Zubiri na nang makausap niya si Pangulong Marcos ay tinanong niya ito kung ano ang naging reaksyon ni President Xi na tahimik lamang anya ito, walang reaksyon at nakatingin lamang sa kanya.
Aminado si Zubiri na posibleng dismayado si Pangulong Marcos na sa kabila ng pakikipag-usap niya sa lider ng China ay patuloy pa rin ang kanilang agresibong aksyon sa West Philippine Sea. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News