May 87 kandidato pa sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023 ang nadiskuwalipika sa idinaos na halalan noong Oktubre a-30.
Sa datos ng Office of the Clerk of the Commission, kasama sa naturang bilang ang 22 kaso ng disqualification, 5 ang kinansela COCs, 5 nuisance candidates, 52 sangkot sa premature campaigning, 3 sangkot sa vote buying at may isang sangkot sa 2 nabangit na paglabag.
Sa huling 7 pétition for disqualification na kinatigan ng Comelec, 5 ay sangkot sa premature campaigning, isa ay sangkot sa premature campaigning at vote buying habang ang pam-7 ay tinanggal dahil sa kasong administratibo.
Kabilang sa pitong na-disqualify ay sina:
Rommel Dizon Ancoriz, punong barangay ng Sto Niño, San Pedro, Laguna;
Erwin Ursua Estacio, SK kagawad ng Doña Imelda, Quezon City;
Mariah Kate Ebio David, SK chairman ng Doña Imelda Quezon City;
Nicole Ann Medina Catap, SK kagawad ng Atlu-Bola Mabalacat, Pampanga;
Jericho Capati Enriquez, SK chairman ng Atlu-Bola, Mabalacat Pampanga;
Jennilyn Cacayorin Tulagan, SK kagawad, ng Atlu-Bola, Mabalacat Pampanga at
Antonio K. Tolentino, punong barangay ng Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.
Ayon sa Comelec, bago matapos ang taon ay madadagdagan pa ang bilang ng mga matatanggal o diskuwalipikadong kandidato sa idinaos na BSKE 2023 lalo na at tuluy-tuloy lang ang pagdinig ng Komisyon sa mga inihaing kaso laban sa mga kandidato. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News