Tinatapos na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang serye ng electrical maintenance activities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay MIAA OIC Bryan Co ang ikapito at huling yugto ng segmented power-related maintenance sa NAIA Terminal 3 ay nagsimula ng 11:00 p.m. kagabi at natapos ng 2:00 ng madaling araw kanina December 13.
Ang mga generator set ng MIAA ang nagsisilbing nag su-supply ng kuryente sa mga mahahalagang kagamitan at pasilidad, ng NAIA upang mag tuluy-tuloy ang pagpoproseso ng mga pasahero at sa flight operation.
Tiniyak din ni Co na ang mga pag-upgrade ng electrical system ng Paliparan ay walang anumang naging epekto sa mga operasyon ng Paliparan, walang mga pagkansela o pagkaantala ng flight na maiuugnay sa pag-upgrade ng kuryente sa NAIA.
Dagdag pa ni Co ang maintenance work na isinagawa ng Meralco, ang pagpapalit ng malalaking kable ng kuryente pag-upgrade sa boltahe na circuit breaker at pagpalit ng mga bagong relay na bahagi ng pagpapabuti sa pangkalahatan at maaasahan na electrical system ng NAIA Terminal 3. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News