Isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN-Japan Commemorative Summit, ang pagpapaigting ng transnational security kasunod ng karumal-dumal na pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, ang transnational crime at counter terrorism ay naging permanenteng bahagi na ng agenda ng ASEAN, ng Japan, at iba pang major partners, simula noong mangyari ang 9/11 attack sa America.
Sinabi pa ni DFA ASEAN Affairs Assistant Sec. Daniel Espiritu na ang counter terrorism ay maaaring maging parte ng ilalabas na ASEAN-Japan Joint Vision Statement.
Ang usapin sa transnational crimes ay tututukan umano ng mga eksperto mula sa kaukulang sectoral bodies ng ASEAN.
Mababatid na itinuro ng Pangulo ang foreign terrorists bilang responsable sa pambobomba sa MSU, habang inako na rin ito ng Islamic State Terrorists. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News