dzme1530.ph

NTF-WPS, kinondena ang ‘reckless and dangerous harassment’ ng China sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission

Mariing kinondena ng National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) ang tinawag nilang “reckless and dangerous harassment at close range” ng Chinese vessels sa Philippine civilian supply vessels na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sinabi ng NTF-WPS na hinarass, hinarang, at nagsagawa ng dangerous maneuvers ang China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels laban sa mga barko ng Pilipinas kahapon ng umaga sa gitna ng routine resupply and rotation mission sa navy ship na nakasadsad sa ayungin shoal sa West Philippines Sea.

Sa statement, inihayag ng NTF-WPS na binomba ng tubig ng CCG vessel 5204 ang Philippine supply vessels dahilan para masira ang makina ng M/L Kalayaan, at ang mast ng BRP Cabra.

Binangga rin umano ng CCG 21556 ang UNIZAH MAE 1 subalit matagumpay pa rin itong nakapagpatuloy sa resupply mission at nakarating sa BRP Sierra Madre. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author