Nasaksihan nina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Western Command (WESCOM) Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang pambobomba ng tubig ng barko ng China sa resupply ship, pati na ang pagdikit at pangha-harass ng Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia vessels.
Ilang oras matapos masaksihan ang panibagong pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas na nagdala ng supply sa BRP Sierra Madre, sumampa sina Brawner at Carlos sa nakasadsad na barko sa Ayungin Shoal at nakipag-boodle fight sa mga sundalong naka-destino roon.
Binigyan diin ng AFP Chief at ng mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal na sa atin ang West Philippine Sea.
Samantala, sang-ayon ang Maritime security expert na si Ray Powell, sa aniya’y assertive transparency campaign o ang pagpapakita ng pilipinas ng mga litrato at video ng mga tunay na nangyayari sa West Philippine Sea.
Naniniwala ni Powell na may epekto ito sa reputasyon ng China sa buong mundo. —sa panulat ni Lea Soriano