Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sitwasyon ng bulkang Mayon sa Alert level 2 o moderate level of unrest.
Paliwanag ng ahensya, i-dinowgrade nila ito mula sa Alert level 3 o high level of unrest dahil sa naitalang pagbaba sa aktibidad ng bulkan.
Subalit, paglilinaw ng PHIVOLCS na hindi ibig sabihin nito ay tuluyan nang tumigil ang mayon mula sa pagbubuga ng sulfur dioxide o asupre.
Noong Hunyo, itinaas sa Alert level 3 ang sitwasyon ng bulkang Mayon bunsod ng pagdami ng volume ng ibinubugang asupre, pyroclastic density current at rockfall events. —sa panulat ni Airiam Sancho