Tiniyak ng Dep’t of Finance na patuloy na bubuhusan ng pondo ang human capital development lalo na sa kabataan, para sa patuloy na pagpapababa ng unemployment rate sa bansa.
Ayon kay Finance sec. Benjamin Diokno, sa pamamagitan nito ay mas maihahanda ang mga manggagawang Pilipino sa mga dekalidad na trabaho.
Tiniyak din ni Diokno ang patuloy na pagsusulong ng fiscal policies na hihikayat sa mas marami pang mga mamumuhunan sa bansa, na magbubunga ng maraming trabaho tungo sa pagpapababa ng poverty rate o bilang ng mga mahihirap.
Kasabay nito’y sinabi ng DOF chief na papalapit na ng papalapit ang pagkakamit sa 4 hanggang 5% na overall unemployment rate, na mithiin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News