dzme1530.ph

Ekonomiya ng Pilipinas, tinaya ng World Bank na lalago ng 5.8% sa 2024

Inaasahan ng World Bank na papasok sa target ng pamahalaan na 2 to 4% ang inflation ng Pilipinas sa susunod na taon matapos bumagal sa 4.1% ang inflation  noong Nobyembre.

Sinabi rin ng multi-lateral lender na lalago ang Gross Domestic Product ng bansa sa average na 5.8% sa 2024, mas mataas sa 5.6% na growth projection nito ngayong 2023.

Naniniwala si World Bank Senior Economist Ralph Van Doorn na kapag bumagal ang pagtaas ng presyo, mas lalakas ang ekonomiya bunsod household consumption ngayong holiday season hanggang sa 2024.

Ayon kay Van Doorn, pangungunahan ng private consumption ang paglago ng ekonomiya, kasabay ng pagbaba ng inflation na susuportahan ng remittances. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author