dzme1530.ph

DOH, target maipamahagi ang natitirang P62.9-B na COVID-19 allowance sa 2026

Target ng Department of Health na maipamahagi ang natitirang P62.9 billion na halaga ng COVID-19 Health Emergency Allowance (HEA) para sa mga healthcare workers sa 2026.

Ito ang inihayag ni DOH Sec. Ted Herbosa sa naganap na panel hearing ng Commission on Appointments sa kaniyang ad interim appointment.

Kinumpirma rin ng Kalihim na nasa 2 million mula sa 10 million healthcare workers ang hindi pa nabibigyan ng P62.9 billion peso- worth ng HEA na na-ipon simula 2021 hanggang 2023.

Ani Herbosa, umaasa siyang mas mapapadali ang distribusyon ng COVID-19 allowance kung makako-kolekta ng maraming buwis ang national government, dahil isa aniya sa naging rason ng Dept. of Budget and Management kaya’t hindi mai-release ang pondo ay bunsod ng kaunti lamang ang nakolektang tax noong 2021 at 2022.

Matatandaang nagsampa ng reklamo ang United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP) sa Anti-Red Tape Authority laban sa ilang regional offices ng DOH dahil sa kanilang hindi pagsagot sa mga katanungan hinggil sa matagal na pamamahagi ng COVID-19 allowance. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author